MYJUICYNET GOES TO BORACAY

TikTok launches TikTok Trends, empowering marketers with deep insights into the world of short-form video

TikTok Trends is a regional program that arms marketers with valuable insights and tools through a wide array of initiatives:...

The Debutantes Premiere Night; Movie Review

Last Tuesday (Oct 3, 2017), held the successful premiere night of the film tagged as color-horror "The Debutantes,"of Regal Films, starring...

Video: Part 1 Joseph Marco answers question from the Wrecking Bowl 1

Subscribe to the ABS-CBN Star Cinema channel! - http://bit.ly/ABSCBNStarCinema For the latest movie, news, trailers & exclusive interviews visit...

Martin Del Rosario shows his business man-side, opens barracks-themed bar – The Armory

Kapuso Actor Martin Del Rosario is now an actor / entrepreneur as he recently successfully launched his barracks-themed bar, "The Armory"...
EntertainmentMoviesPista ng Pelikulang Pilipino 2020: Mechanics, Co-Production Funds &...

Pista ng Pelikulang Pilipino 2020: Mechanics, Co-Production Funds & Intensified Sine Kabataan

-

- Advertisment -
Ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na nasa ika-apat na edisyon nitong Setyembre, ay mas pinaigting sa apat na paraan. Una, magkakaroon ito ng lineup ng 10 pelikula. Pangalawa, pipili ito ng anim na finished films o mga pelikulang nasa post-production at apat na proyektong nasa advanced development stage o production stage. Pangatlo, maghahandog ito ng co-production funds na aabot sa PHP 2 million sa pamamagitan ng FilmPhilippines Philippine Co-Production Fund. Pang-apat, ang Sine Kabataan 4 ay magbibigay din ng production grants at magsasagawa ng film development lab sessions para sa mga kabataang filmmaker.
Ang PPP 4, na magaganap mula Setyembre 11 hanggang 17, 2020, ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipatulungan sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP). Ang unang araw ng PPP ay ang huling araw ng pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino (mula Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020), ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 622, s. 2018. 
Ang PP3 Best Picture “Lola Igna”
Sa opisyal na pagtatapos ng pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino, layunin ng FDCP na mapagtipon ng PPP ang buong industriya bilang pagsalubong sa susunod na 100 taon ng industriya ng pelikula. Nang dahil sa napakahalagang pagdiriwang ng Sine Sandaan, mas maraming pakaaabangan sa PPP ngayong taon. 
Ang PPP 4 ay magpapalabas ng 10 pelikula sa mahigit 900 na sinehan sa buong bansa. Katulad ito ng PPP 3 na nagpalabas din ng 10 pelikula. Tatanggap ang PPP 4 ng apat na proyektong nasa advanced stage of development o production stage at anim na finished films o pelikulang nasa post-production. Itinalaga ng FDCP ang mga deadline para sa mga aplikayson: Marso 20, 2020 para sa mga proyektong nasa advanced stage of development o production stage at Hunyo 15, 2020 para sa finished films o mga pelikulang nasa post-production.
Iba-ibang mga genre film na may commercial at global appeal ang ipalalabas ng PPP 4. Maaaring ang mga pelikula ay family-oriented, romantic comedy, horror, fantasy, at historical, o kaya ay mga arthouse film na nagpapakita ng kultura at sensibilidad ng mga Filipino. Dalawang entry lamang sa bawat genre ang mapapabilang sa final selection (e.g., romance, comedy, action, etc.).
Ipinakilala rin ng PPP 4 ang Philippine Co-Production Fund (PCOF) ng FilmPhilippines Program ng FDCP. Magbibigay ang PCOF ng funding na aabot sa PHP 2 million para sa mga piling proyektong nasa advanced stage of development o production stage sa pamamagitan ng PCOF co-production investment fund. Maaari ring makatanggap ng PHP 2 million mula sa PCOF ang piling finished films o mga pelikulang nasa post-production.
Ang direktor na si Adolfo Alix, Jr. kasama ang cast ng “Circa” sa pangunguna nina Anita Linda at Enchong Dee
Samantala, ang ika-4 na Sine Kabataan ay magbabalik bilang isang pinaigting na short film competition na magkakaroon ng film development lab program. Pakay ng Sine Kabataan na hikayatin ang mga filmmaker na may edad mula 18 hanggang 30 na gumawa ng short films hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa kabataan tungkol sa edukasyon, kalusugan, family values, o security at peace building. Ang Sine Kabataan, na gaganapin kasabay ng PPP, ay magbibigay din ng production funds sa mga aplikasyon na may story concepts. 
Ang bawat finalist ng Sine Kabataan ay tatanggap ng cash grant na PHP 50,000 at post-production grant na PHP 50,000. Ang short films (na hindi lalagpas sa 5 minuto) ay ipalalabas sa buong bansa habang PPP. Ang isang short film ay ipalalabas bago ang isang opisyal na entry ng PPP. Magkakaroon din ng Sine Kabataan Film Lab sessions ngayong taon para sa Sine Kabataan 4 finalists kung saan tuturuan sila tungkol sa script development, film production, film editing, at post-production. Ang deadline ng mga aplikasyon para sa Sine Kabataan 4 ay sa Marso 20, 2020.
FDCP Chairperson/CEO Liza Diño sa PPP 3 Sine Sandaan Press Conference kasama ang sponsors at partners 
Sa mga pagbabago sa PPP 4, inaasahan ng FDCP na ang flagship program nito ay makapagdadagdag ng ningning sa pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Umaasa ang PPP na mahihikayat nito ang mga Filipino na manood ng mga lokal na pelikula sa sinehan (PHP 180 ang student admission price sa mga sinehan sa Metro Manila at PHP 130 para sa mga sinehan sa probinsya) at masusuportahan ang pagkamalikhain at orihinalidad ng mga filmmaker sa pamamagitan ng co-production funds. 
Ang PPP 2020 Mechanics ay matatagpuan sa:
At ang Sine Kabataan 4 Guidelines ay makikita sa
Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, makipag-ugnay sa PPP Secretariat c/o Film Development Council of the Philippines sa 855 T.M. Kalaw St., Ermita, Manila o tumawag sa (02) 8256-9948 local 104.
Para sa mga tanong tungkol sa Sine Kabataan, magpadala ng mensahe sa sinekabataan2020@gmail.com.
Leave a tip if you like what you read :)

Latest news

“Under a Piaya Moon” and “Last Shift” Win Big at Inaugural Puregold CinePanalo Awards Night

“Under a Piaya Moon” and “Last Shift” bagged the coveted Pinakapanalong Pelikula awards in the full-length and short film...

Puregold CinePanalo Film Festival showcases stellar upcoming and veteran actors in full-length films

Excitement is reaching an all-time high as the much-anticipated Puregold CinePanalo Film Festival draws near. With Puregold CinePanalo at...

Puregold CinePanalo Film Festival partners with MOWELFUND in supporting its Kwentong Panalo movies

Puregold CinePanalo Film Festival proudly announces its partnership with Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND). This exciting collaboration aims...

Lights, Camera, Panalo: Puregold CinePanalo Film Festival introduces finalist directors

Puregold CinePanalo Film Festival, the much-awaited event that is set to hail a new generation of outstanding Filipino films,...
- Advertisement -

The Legend of Tessie Agana: Unveiling the Golden Age of Philippine Cinema

The glittering world of Philippine cinema, once a beacon of wonder, shone brilliantly during its golden age. A significant...

Puregold CinePanalo Film Festival aims to produce inspirational, uplifting films

Up-and-coming film directors will soon have the chance to showcase their very own “kwentong panalo ng buhay” as part...

Must read

Custom pedestrian lanes amp up the excitement for Puregold’s “Nasa Atin ang Panalo” concert

Commuters and motorists passing through Araneta City have spotted a...

“A Culinary Gem in Baguio: Indulging in Maccan Bistro’s Diverse Menu”

We recently had the pleasure of dining at Maccan...
- Advertisement -

You might also likeRELATED
Recommended to you